MANILA – Niyanig ng 4.9 magnitude
na lindol ang Davao Oriental ngayong Lunes ng gabi bandang 6:38 PM , ayon sa
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang nasabing pagyanig ay hindi
naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks, ayun sa Phivolcs.
Ang lalawigan ng Batangas ay nahihilo pa rin mula
sa sunud-sunod na lindol noong Sabado dahil sa malalakas na aftershock.
Niyanig din ng lindol ang bayan
ng Mabini sa Batangas noong Sabado ng hapon. Ang unang pagyanig ay may
magnitude 5.7 sa dakong 3:08 PM na sinundan ng magnitude 5.9, pagkatapos ng
isang minuto.
Makalipas ang dalawampung minuto,
niyanig ng pangatlong lindol na may magnitude
5.0 ang bayan ng Taysan sa Batangas.
No comments:
Post a Comment